Pagkagising sa umaga, harap kaagad sa salamin magtatanggal ng muta at ng kung anong napanis.
Diretso sa banyo para maligo. Mag linis ng buhok at katawang kinuha ang "Facial Cleanser" para sa mukha.
Paglabas ng banyo, diretso sa kwarto magsuot ng magandang damit at umupo sa may salamin.
Kinalat ang mga palamuti at sinimulan ang pagpinta sa mukha nyang lungkot ang nakikita.
Naglagay ng pampa-puti at ikinalat sa mukha, kasabay ng paglagay ng lakas ng loob at ng maskara.
Sumunod and kilay na ginuhitan ng itim na kulay, kasabay din nito ang pag-guhit ng kanyang mga pangarap.
Naglagay ng kulay sa mata ng lila kasabay ang positibong pananaw sa buhay, at paglagay ng kulay sa paligid.
Makapal na linya ang kasunod upang itago ang namamagang mata.
Pulang pulbo para sa pisngi kasabay ng pagbibigay buhay sa sarili.
at pulang kulay sa labi kasabay paglagay ng tiwala sa sarili at ng isang matamis na ngiti.
Isang babaeng puno ng lungkot sa kalooban ay napapasaya ng simpleng palamuti lamang, palamuting tumatayong pader upang matakpan ang tunay na mundong nag-aabang sa kanya...
No comments:
Post a Comment